Welcome aboard!

Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: The STORY..,


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:
The STORY..,


   
Three Men and a Mom   (Three Dads One Mom Season 2)



   NOTE: Please watch first the video before reading.., thank you.., ENJOY!



and Please do not post here.., I'll make
a conversation thread so that it will be organized and easy for us to
read every next chapter..,
                                               


                                                                 


__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

Muling nagsimula ang lahat nang tumatawid si Lizette at Nicole, papuntang tindahan para bumili ng ice cream, ng biglang may humaharurot na sasakyan at masasagasaan si Nicole.

Madaling itinulak ni Lizette si Nicole papalayo, upang iligtas ang kanyang anak. Ngunit, si Lizette naman ang napinsala. nagkaroon sya ng amnesia..

Dinala si Lizette sa ospital. Ilang araw syang walang malay. Nabalitaan ito ni Sir James, kaya bumalik siya ng Korea mula Dubai, pagdating nito sa ospital ay wala pa ring malay si Lizette. Hinawakan nya ang kamay ni Lizette.

James: Dapat hindi nalang kita iniwan Lizette(hindi maiwasan ni James ang mapaiyak)

Nagising si Lizette, at una nitong nakita ay si James….
Lizette: Sino ka?

Nalaman ni James na may amnesia si Lizette, kaya naman sinamantala na niya ang pagkakataon…

James: Ako..? ako nga pala si James, ang boyfriend at fiancé mo Lizette.

Nagkwento pa si James ng mga bagay na walang katotohanan, sinabi niya ito upang mapaniwala si Lizette na siya talaga ang kanyang minamahal. Napaniwala naman niya si Lizette at simula noon ay mahal na ang tawag ni Lizette sa kanya.

Dumating na ang tatlong daddies sa ospital kasama si Nicole. Pagpasok nila sa kwarto, nagulat silang lahat ng makitang hawak ni James ang mga kamay ni Lizette. Kaya naman nagalit si Ariel at sinuntok niya ito…

Ariel: Ang kapal ng mukha mo at nagpakita ka pa dito! Sino ka para hawakan ang mga kamay ni Lizette? Huh?!
Lizette: (takot at gulat)Ay!! Sino ba yan??? Bakit ka nanggugulo dito?
Jake: Ariel, tama na yan natatakot mo lang si Lizette.


Pumasok ang mga nurse at doctor, kaya pinalabas nila ang lahat dahil makaka-sama daw ito kay Lizette. Ipinaliwanag ng doctor sa tatlong daddies na merong amnesia si Lizette, kaya dapat daw ay intindihin nila ito. Nang marinig ito ni Jake, dali-dali siyang pumasok sa kwarto ni Lizette at niyakap niya si Lizette..

Jake: Lizette! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Nakikilala mo ba ako?

Nagtatakang itinulak ni Lizette si Jake palayo.

Lizette: Sino ka?

Hindi ito inaasahan ni Jake, kaya nasaktan sya at lumabas ng kwarto.

Hinahanap ni Lizette si James, nag-aalala siya kung nasaktan ba si James sa suntok ni Ariel.

Pumasok ng kwarto sila Jayden at Ariel, ngunit nagsisigaw si Lizette "Palabasin nyu ang lalaking iyan!" ng nakaturo ang mga kamay kay Ariel. Nagulat si Ariel, sinubukan niyang lapitan si Lizette at magpaliwanag, ngunit hinarang siya ng mga nurse dahil makakasama daw ito kay Lizette.

Nananaginip si Lizette ng nasa isang malawak na Kalsada siya.

Lizette: Nicole! Nicole anak nasaan ka?

Nang biglang masasagasaan si Lizette ng isang sasakyan... at doon ay nagising siya. Pagmulat ng kanyang mga mata, nasa ospital pa rin siya at si Jake ang nasa tabi niya. Naisip tawagan ni Lizette si James dahil ito lang ang inaakala niya na makakatulong sa kanya dahil nagakilala itong kanyang minamahal. Ngunit walang sumasagot.

Nagising si Jake.

Jake: Ahh.. Lizette, ayos na ba ang pakiramdam mo?
Lizette: Ayos naman, pero sino ka? Bakit alam mo ang pangalan ko?

Napaisip si Jake kung sasabihin ba niya na mahal niya si Lizette, ngunit natakot siya na baka magulat lang at maguluhan si Lizette.

Jake: Ako? hindi mo ba talaga ako nakikilala?
Lizette: Pasensya ka na. Hindi talaga eh.
Jake: Ako ang isa sa matatalik mong kaibigan, at yung dalawa pa ay si Jayden at Ariel. Natatandaan mo na?
Lizette: Jayden...? Ariel...?
Jake: Oo, si Ariel, yung kahapon, yung pinaalis mo. At si Jayden naman yung isa pa, yung may nakakatawang pantalon.
Lizette: Naku! Bestfriend ko pala siya, tapos pinaalis ko lang. Siguradong masama ang loob sakin noon.
Jake: Huwag ka nang masyadong mag-alala, sigurado ako na maiintindihan nila iyon. Sige magpahinga ka na, nandito lang ako babantayan kita.
Lizette: Ahh... pero, sino si Nicole? Napanaginipan ko kasi siya eh. at sa panaginip ko tinatawag ko siyang anak.
Jake: Siya ang anak niyo ni Justine, yung asawa mo.
Lizette: May anak at asawa ako? pero may kasintahan na ako.
Jake: Huh?
Lizette: Si James... James Jeong.
Jake: Ahhh.... (napailing si Jake). Sige matulog ka na.
Lizette: Sige. Salamat ha.




__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

and then....nung nakapag pahinga na si lizette..
pinayagan na ang tatlong pumasok ng room..tas bago sila pumasok uli, nakaisip si Ariel na umuwi muna ng bahay para mag dala ng mga damit ni Lizette.
Tas naisip din ni Jake na magdala ng mga Pictures para makita ni Lizette, si Jayden naman naisip dalin yung Comics nya yung "Three men and the golden Poop?" para mabasa ni lizette. Si Nicole Isinama na nila pauwi, at pina iwan sa Daddy ni Lizette.

Pagdating sa Hospital....

Ariel: Ahhh..Lizette nagdala na kami ng damit mo..
Lizette: Salamat... hmmmm... Ariel!
Ariel:Natatandaan mo na ako? (nagulat)
Lizette: h.. hindi pa. nagkwentuhan lang kami kagabi ni Jake, at pinakilala niya kayong dalawa pa sa akin.

Jake:Ahh Lizette..May dala kong mga pics..gusto mo bang makita??
Lizette: Salamat Jake.
Jayden:ahh Lizette ako naman comics..para malibang ka habang nandito ka.

Lizette: Salamat Jayden .....salamat sa inyo....
Jake: aaah Lizette tignan mo na yung mga pictures..
(show the pics)
Jake:..ano may natatandaan ka na ba??
Lizette: hindi ko talaga matandaan.

Jayden: Wag mo na xang pilitin..maaalala din nya tayo
Jake & Ariel:.PERO...
Jake: Sige na nga
Lizette: Pero nasaan si Nicole?
Ariel & Jayden: Natatandaan mo si Nicole???
Lizette: Napanaginipan ko kasi siya kagabi, at kinwento sakin ni Jake ang mga nangyari. At salamat nga pala sa inyo, kayo daw ang nag-alaga saming dalawa nung namatay si Justine.

(tulog na si lizette)

Jayden: haaay...hanggang ngayon...kaylanagn parin natin syang alagaan...baka hindi nya na tayo matandaan
Jake: hindi , hindi ako papayag...kayalanagn nya tayong maalala..

Ariel: Pagnakalabas na si Lizette.....mag unahan na tayo
Jake & Jayden: Huh?? anong Ibig mong sabihin??
Ariel: Mag uunahan tayong ..manalo sa puso ni Lizette

(tinginan ang tatlo!!!)

Nang lalabas na si Lizette sa hospital...

Lizette: Ahh... Jake, Ariel at Jayden... hmmm... napag-isipisip ko na kila James na kami ni Nicole titira.
Jake, Jayden & Ariel: Huh?! (nagulat)
Lizette: Oo, kasi sinabi sa akin ni James na malapit na daw kaming ikasal. Nakakahiya naman sa inyo kung doon pa rin kami titira ni Nicole.
Nicole: Pero Mommy!
Lizette: Nicole, anak....
Nicole: Daddy(Jake)! Dada(Jayden)! Papa(Ariel)! Huwag kayong papayag!
Lizette: Daddy? Dada? Papa? Anong sinabi mo anak?
Jake: Ahh... Lizette, yun ang tawag sa amin ni Nicole.
Lizette: Nicole anak, mali iyon ha. Uncle lang ang itawag mo sa kanila. okay?
James: Lizette, kung ayaw pang sumama ni Nicole, hintayin nalang natin siya na kusang sumama. Pansamantala, doon muna siya sa mga Uncle niya.
Ariel, Jake & Jayden: Pero!
Lizette: Pasensya na kayong tatlo. Ito kasi ang mas makakabuti sa ating lahat.
James: Tara na Lizette.

At tuluyan na ngang nagkahiwa-hiwalay sila Lizette, Jake, Jayden, Ariel, at Nicole.


Makalipas ang ilang araw. Sa bahay ng mga daddies....

Nicole: Daddy(Jake), namimiss ko na si mommy.
Jake: Gusto mo bang puntahan natin siya?
Nicole: Opo.
Jake: Sige, maliligo na tayo tapos pupuntahan natin si mommy(wala nang trabaho si Jake dahil sa hindi natuloy ang kasal nila ni Chloe, si Jayden naman ay sikat na manghwa artist na, at si Ariel ay Police Chief na, kaya si Jake ang madalas na kasama ni Nicole sa bahay.)

Palihim na nagdala ng madaming damit si Jake, at binabalak na niyang iwan si Nicole kay Lizette. Hindi nito kayang makita na nagkakahiwalay ang mag-ina. Pagdating sa bahay ni James...

Jake: Tao po.. (kumakatok sa pinto)
James: Ahh... Jake, Nicole kayo pala(binuksan ang pinto).
Jake: Ahh.. Oo, gusto kasing makita ni Nicole ang mommy niya.
Nicole: Kamusta po.
James: Tuloy kayo, nasa loob si Lizette.

Nicole: Mommy! (tumatakbong lumapit kay Lizette)
Lizette: Anak! Nicole! Kamusta ka na? Na-miss ka ni mommy. (habang yakap si Nicole)

Jake: Heto nga pala ang mga damit ni Nicole(habang inaabot kay James ang mga bag). Hindi na rin ako magtatagal, ikamusta mo nalang ako kay Lizette.
James: Ahh... Magkape ka man lang muna.
Jake: Hindi na. Wala din kasing tao sa bahay, at walang susi sina Jayden at Ariel, naiwan kasi nila.
James: Ahh.. Ganun ba? Sige mag-iingat ka nalang. Salamat sa paghatid kay Nicole.

__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

Nicole: Mommy, kasama ko po si Daddy.
Lizette: Sino?
Nicole: Si Uncle Jake po (malungkot na sinabi)
Lizette: Ahh.. bakit hindi mo siya kasamang pumasok?
James: Ahh.. Lizette, umalis na si Jake. Sabi may importanteng bagay daw siyang pupuntahan.
Nicole: Ano po? (nagulat)
James: Inday, pakituro kay Nicole ang kwarto niya.
Lizette: Pero baka gustong matulog ni Nicole na kasama ako.
Nicole: Daddy... daddy? (umiiyak) Daddy! (tumatakbong pumunta sa gate..

habang naglalakad palayo, hindi maiwasan ni Jake ang umiyak.....

Sa bahay ng mga daddies...

Jayden & Ariel: Nandito na kami!
Ariel: Nicole, may pasalubong si Papa.
Jake: Wala na si Nicole (malungkot)
Jayden & Ariel: Ano? (nagulat)
Jake: Dinala ko na siya kay Lizette.
Jayden: Bakit mo naman ginawa yun?
Ariel: Oo nga.
Jake: Ano ba kayo? Hindi ba kayo nalulungkot na nagkakahiwalay yung mag-ina? wala ba kayong mga puso?
(napatahimik ang dalawa at yumuko)
Jake: Hindi ko na kayang makita na magkahiwalay sila! Kaya dinala ko si Nicole doon. Mas mapapabuti siya doon. Isa pa kailangan ko na maghanap ng trabaho.
Jayden: Oo nga, mas mapapabuti siya doon.
Ariel: Pero! gusto ba ni Nicole yun?
Jake: Matutulog na ko(pumunta ng second floor), may pagkain diyan kumain na kayong dalawa.
Ariel: San ka pupunta?
Jake: Sa taas.
Jayden: Bakit?
(hindi na muling nagsalita si Jake)

Naging malungkot ang bahay. Pare-parehong hindi makatulog ang tatlo.

After a few months... sa bahay ni James habang kumakain....

Nicole: Mommy... pede ba tayong.... bumisita kila da....
James: Ahh.. Lizette, gusto mo punta tayo ng zoo kasama si Nicole?
Lizette: Magandang idea nga yan. Ano masasabi mo anak?
Nicole: Kayo po ang bahala (malungkot)
James: Sige! pagkatapos kumain gumayak tayo, at pupunta tayo sa zoo.
Lizette: Okay.

Sa zoo....

James: Nicole gusto mo pumasan sa likod ni tito?
Nicole: Salamat nalang po, pero kaya ko po maglakad :(
Lizette: Nicole, anak, tingnan mo, mga rabbit anak. (Nang biglang maalala ni nicole ang mga shadow puppets na ginagawa nung tatlong daddy nung nandun pa sila).

Muntik nang bumagsak si Lizette, sinalo siya ni James...

James: Lizette, masama ba ang pakiramdam mo?
Lizette: Ahh.. Oo, medyo nahilo lang ako ng konti.
James: Gusto mo maupo muna tayo. Nicole, dito muna kayo ni mommy ha, bibili lng ako ng gamot.
Nicole: Opo.


Lizette: James, mabuti pa umuwi nalang tayo. Masama kasi talaga ang pakiramdam ko eh.
James: Sige, pero ayaw mo bang kumain muna bago tayo umuwi?
Lizette: Wag na muna. Gusto ko lang talaga umuwi.
James: Okay.

Sa bahay ni James...

Lizette: Doon muna ako sa kwarto ko. Nicole anak, samahan mo muna si mommy ha.
Nicole: Sige po.
James: Sige. gusto mo ba magpadala ako ng gamot sa maid?
Lizette: Wag na. Konting hilo lang ito.


Nicole: Mommy...
Lizette: Ano yun anak?
Nicole: hmmm... wala po... tara na po sa kwarto nyo... gusto nyo po hilutin ko ang ulo nyo habang nagpapahinga ka?
Lizette: Magandang idea nga yan :)

sa kwarto ni Lizette...

Nicole: Mommy...
Lizette: Ano yun?
Nicole: ahmmm... wala po, maganda na po ba ang pakiramdam nyo(habang hinihilot sa ulo si Lizette)
Lizette: Oo naman... Kiss mo nga si mommy. (inakap si Nicole)
Nicole: Mommy... may gusto sana ako itanong.
Lizette: Ano yun?
Nicole: Si tito James.... sino po ba siya? ngayon ko lang po kasi siya nakita. saka bakit dito po tayo nakatira?

Lizette: Sabi niya pumunta daw siya ng Dubai, kaya siguro ngayon mo lang siya nakita.
Nicole: Hindi mo po ba namimiss sila daddy?
Lizette: Anong ibig mong sabihin?
Nicole: Wala po.. matulog na tayo. Goodnight mommy.
Lizette: Goodnight....

__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

Sa bahay ng mga daddies...

Ariel: Hindi nyo ba namimiss si Nicole?
Jayden: Ano ka ba?(habang bahagyang tinapik si Ariel)

Jake: Matutulog na ko.

Jayden: Haay.. bakit mo naman sinabi yun? Napak-manhid mo talaga, kita mo nang ganun siya nagsalita ka pa ng tungkol kay Nicole.
Ariel: Anong magagawa ko? Eh namimiss ko na si Nicole eh.

Kinabukasan. Pumunta si Lizette sa school ni Nicole para umatend ng meeting. Nagkataon din na pumunta nandon si Jake.

Lizette: Napaaga yata ang dating ko... Si Jake yun ah... Jake! Jake!
Jake: Ahh.. Lizette... Kamusta ka na?
Lizette: Ok lang naman ako. Naku! Tinawagan ka ba ni Nicole? Naku pasensya ka na ha.
Jake: Huh! Bakit may masama bang nangyari kay Nicole kaya ka nandito?
Lizette: Ahmmm... Wala naman, meron kasing meeting. Akala ko pinapunta ka niya dito.
Jake: Hindi, namiss ko lang si Nicole kaya ako napadaan *Ang totoo mas na-miss kita*. Kamusta na kayo ni James?


Lizette: Ayus naman kami, sa isang buwan na pala ang kasal namin. Pumunta kayo ha. malulungkot ako kapag wala ang mga bestfriends ko.
Jake: huh! parang ang bilis naman yata. hindi ba.....?
Lizette: Si James kasi, aalis daw kasi siya ulit sa Dubai.
Jake: Wala ka pa rin bang naaalala?

Teacher: tinawagan po ang lahat ng magulang, magsisimula na po ang meeting!
Lizette: Naku kailangan ko nang umalis...
Jake: Ahh... Sige.... Aalis na din ako.
Lizette: Wag muna, dito ka muna. Baka gustong makipaglaro sayo ni Nicole.

Nicole: Daddy!(tumatakbong lumapit kay Jake)
Jake: Nicole! Na-miss mo ba si daddy(habang buhat si Nicole)?
Nicole: Opo! Daddy... Ice cream?
Jake: Ha..? Gusto mo nang ice cream?
Nicole: Opo.
Jake: Sige! Tara(habang nakatingin kay Lizette papalayo)

Pagkatapos ng meeting...

Jake: Nicole, tapos na pala ang meeting nila mommy. Aalis na si daddy ha. Magpapakabait ka. Mag-iingat ka palagi. ok?
Nicole: Opo.. :(
Lizette: Oh... Nandito pala kayo. Nicole... sabi ng teacher mo ang galing-galing mo daw sa klase...
Jake: Mauna na ako Lizette! *gusto mong kumain muna sa labas?* Mag-iingat kayo pauwi ha.
Nicole: Mommy, nagugutom na po ako.
Lizette: Sige, kumain muna tayo bago tayo umuwi. Ahh.. Jake, gusto mong sumama samin?
Jake: Ha... Sige.... (masayang-masayang sinabi)

Pagkatapos kumain, umuwi na sila sa kani-kanilang bahay... Habang pauwi, hindi maalis sa muka ni Jake ang mga ngiti. habang nasa taxi, hindi rin maalis sa muka ni Lizette ang kakaibang mga ngiti, nang biglang....

Nicole: Mommy... hanggang ngayon pala ngumingiti ka pa rin kapag nakikita mo si Daddy. :D
Lizette: Ano? Nakangiti lang ako kasi magaling ka sa school. yun lang yun. (nahihiyang sinabi)

Nang biglang may isang mabilis na truck ang paparating. Nang makita ni Lizette ang mga ilaw ng truck na paparating.... Naalala niya bigla ang nangyaring aksidente... At bumangga ang truck sa isang bus na sa gilid ng taxi nila at bumangga naman ang bus sa taxi na sinasakyan ni Lizette at Nicole. Tumama ang ulo ni Lizette sa salamin, at ito ang dahilan para maalala niya ang lahat. Habang si Nicole naman ay nagtamo ng kaunting galos.

Dinala sila Lizette at Nicole sa hospital. Nagkaroon lang siya ng konting galos sa ulo. Muling naalala ni Lizette ang mga nangyari sa kanya matapos ang unang aksidente. Naalala nya ang mga panloloko sa kanya ni James, at ang mga nasabi niya sa tatlong daddies...

Pagdating ni Jake sa bahay nila, nagtatakang tinanong ni Ariel...

Ariel: Bakit ang saya-saya mo yata ngayon? Anong ginawa mo?
Jayden: Oo nga. May trabaho ka na ba ulit?
Jake: Wala! Matutulog na ako.

Jayden: Ano kaya nangyari dun? kahapon lang parang pasan ang langit ngayon naman tuwang-tuwa.?

Ariel: Pabayaan mo nalang, ang mabuti eh masaya na ang kaibigan natin.

Walang kamalay-malay ang tatlo sa aksidenteng nangyari kay Lizette at Nicole.
Nalaman ni James ang nangyaring aksidente, ang nagmadaling pumunta sa hospital. Pagdating niya roon ay natutulog ang mag-ina.


__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

Pagkagising ni Lizette. Naisip niya kung bakit ginawa iyon ni James. Naisip nya na sakyan muna ang palabas ni James. Pumasok si James sa kwarto ni Lizette...

James: Oh, gising ka na pala.
Lizette: Ahh... *Sir* Oo, James. (habang papatayo ng kama)
James: Kamusta na ang pakiramdam mo?
Lizette: Ayos naman, konting galos lang ito. Kaya ko na ngang maglakad. Eh si Nicole kamusta na?
James: Sabi ng duktor pede na daw kayong lumabas kapag nagising kayo. Konting galos lang naman ang nakuha ni Nicole, nagkaugat lng siya ng konti sa braso.
Lizette: Ahh... Uwi na tayo pagkagising ni Nicole.
James: Sigurado ka? Kung talagang Ok ka lng sige uwi na tayo.

Habang pauwi...

Lizette: Ahmm... James, kelan ang aniversary natin?
James: Huh!? Bakit bigla mo naman akong natanong ng ganyan?
Lizette: Wala lang, syempre gusto ko mapag-handaan, baka malapit na pala hindi ko pa alam. nakakahiya naman sayo. *hindi ka makasagot ngayon*
James: Ahh.... hmmmm.... July.... ahhh.... nakalimutan ko yung date eh, pero July... Oo, tama! July!

Lizette: Ahh... July pala. Eh pano mo naman ako niligawan? At pano kita sinagot? Saka ilang years na tayo sa aniversary natin?
James: Ahh... Sa bahay ko nalang sasagutin ha.... Nagda-drive kasi ako eh.
Lizette: Nagda-drive? Eh ano naman ang kasi kung nagda-drive ka? Magsasalita ka lang naman eh. Bakit hindi ka ba makasagot? Hindi mo alam? Baka wala kang alam? Kasi hindi naman talaga nangyari!
James: Ano bang mga pinagsasasabi mo? Syempre nangyari yun. Nakalimutan ko lang talaga kasi masyado akong busy sa Dubai.
Lizette: Tama na James! Alam ko na ang lahat! Bukas na bukas aalis na kami ni Nicole!

Hindi na muling nakapagsalita si James... Pagdating sa bahay, inayos na ni Lizette ang lahat ng mga gamit nila.

Lizette: Nicole, anak, bukas maaga tayong aalis papuntang school mo ha. Tapos babalik na tayo sa mga Uncles mo.
Nicole: Talaga po mommy?(masaya)
Lizette: Oo anak. at hindi na ulit tayo babalik dito.

Kinabukasan, maagang hinatid ni Lizette si Nicole sa school. Pagkatapos nito ay dumiretso siya sa bahay ng tatlo. Pagdating niya dito, walang ibang tao kundi si Jake lang.

Lizette: Nandito na ko?
Jake: Huh! Lizette(tumatakbong pumunta kay Lizette) Anong nangyari bakit nandito ka na? May sugat ka, at bakit dala mo ang mga damit mo?
Lizette: Jake.... Alam ko na ang lahat.... naalala ko na (umiiyak)

(niyakap ni Jake si Lizette)

Lizette: Sorry! sorry kung nag-alala ka. Sorry talaga!
Jake: Na-miss kita. Akala ko mawawala ka na talaga Lizette. Alam mo ba kung gaano ako.... nasaktan! Alam mo ba!? Nag-aalala ako. Kasi.... Mahal kita!
Lizette: Ma... mahal...? mahal din kita.

after a few minutes....

Jake: Edi kaya ka bumalik nung papunta kayo ng Dubai dahil sakin?
Lizette: Huh! Eh bakit hindi natuloy ang kasal mo?
Jake: Kasi... Kasi nga mahal na kita noon pa!
Lizette: Talaga..?

Jayden: Nandito na ako... Ahh... Lizette! Ano ginagawa mo dito?
Lizette: Na-miss ko kasi kayo kaya ako bumalik.
Jake: ahem....
Lizette: Ang totoo kasi niyan. Nakakaalala na ako...
Jayden: Talaga?! Edi alam mo na na niloloko ka nung James na yun?
Jake: Jayden!
Lizette: Ayus lang Jake. Yun naman ang totoo eh. Pasensya na kayo kung ano man ang nasabi ko noon. Sana maintindihan nyo.
Jayden: Ano ka ba! Wala samin yon ni Ariel. Iyang si Jake lang ang parang tinakluban ng langit eh. Hindi nga maka-kain eh. Hahaha.
Jake: Jayden!
Jayden: Ahh... *Naku lagot ako kay Jake, napahiya yata siya* Kailangan ko na pala ituloy yun ginagawa ko. Sige maiwan ko na kayo. Si Nicole nga pala?
Lizette: Nasa school pa si Nicole.

Pumasok na si Jayden sa kwarto niya...

Jake: Ahh... Lizette... Ano ulit yung sinasabi mo kanina?
Lizette: Wala! Kailangan ko na din ayusin yung mga gamit ko sa taas.
Jake: Ahmmm... Sandali lang. Ang totoo kasi sa taas ako natutulog, kasi talagang na-miss kita.
Lizette: Ganun ba? (nakangiti) Pasensya ka na mukang dito ka na naman sa sofa matutulog.
Jake: Okay lang yun. Ikaw pa.
Lizette: Yun tungkol satin, kelan natin sasabihin kila Jayden at Ariel?
Jake: Huh?! Hindi natin pedeng sabihin sa kanila!
Lizette: Bakit naman? Siguradong matutuwa si Jayden niyan, kasi matagal na rin niyang sinasabi na dapat makipag-date ka na.
Jake: Ahh... Basta! Hindi natin pedeng sabihin sa kanila. Tara na nga ayusin na natin ang kwarto mo.
Lizette: Edi parang secret-relationship? Hihihi... Tara na nga ayusin na natin. Matutuwa talaga si Nicole mamaya kapag sinundo ko siya mamaya.


__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

Nagpatuloy ang relasyon ng dalawa. Hinahatid at sinusundo nila si Nicole ng magkasama. Kapag nagluluto si Lizette, laging tumutulong si Jake. Kapag naglalaba, naglilinis, at sa kahit ano pang bagay.
Hanggang sa nakahalata na sila Ariel at Jayden...

Ariel: Hindi mo ba napapansin si Jake? Simula ng bumalik sina Lizette at Nicole, lagi siyang masaya.
Jayden: Ano ka ba! Natural lang naman na maging masaya tayo. Ako din naman masaya, ikaw hindi ka ba masaya?
Ariel: Masaya syempre, pero merong kakaiba eh. Gumagawa si Jake ng gawaing bahay. Diba hindi naman niya ginagawa yun. Tulad ngayon tingnan mo sila ni Lizette(naghuhugas ng pinggan).
Jayden: Oo nga ano?

Lizette: Ahh.. Jayden, Ariel, May trabaho na nga pala ulit si Jake... Kaya bumili kami kanina ng konting beer para pagsaluhan natin. Tulog na naman si Nicole eh.

Jayden & Ariel: Mabuti naman kung ganon! Dapat nga tayo mag-celebrate!

makalipas ang ilang oras....

Ariel: Mukang hindi mo na kayang uminom Jayden ha. hehehe.
Jayden: Ako? Eh si Jake nga eh, tingnan nyo oh. Nakatulog na sa balikat ni Lizette.
Lizette: Naku, mukang kailangan ko na yatang matulog. Madali na talaga akong malasing.
Jake: Oo nga matulog ka na. Makaka-sama sayo yan kapag nagpatuloy ka pang uminom.
Lizette: Maiwan ko na kayong tatlo ha. Tatabihan ko na si Nicole sa taas(pumasok sa kwarto niya)

Tulog na si Lizette...

Jake: ahmmm... Jayden, Ariel, may sasabihin sana ako sa inyong dalawa eh.
Ariel: Ano yun?
Jayden: Magpapasalamat ka ba dahil nakalibre ka ng tatlong taon ng walang trabaho? Babayaran mo din kami nuh!
Jake: Hindi yun... ang totoo kasi nyan... ako... at si Lizette... ay...
Jayden & Ariel: Ano kayo ni Lizette?
Jake: Kami ni Lizette ay... Kami ni Lizette ay nagmamahalan!
Jayden & Ariel: Ano!
Ariel: Panong nangyari iyon?
Jayden: Ibig mo bang sabihin ay nagtapat ka na kay Lizette?
Jake: Oo...

Sinuntok ni Jayden si Jake...

Jayden: Pasensya ka na ha. Hindi ko maiwasan na hindi gawin eh.

Hindi na nakapagsalita pa si Ariel. Kinabukasan.... Maagang umalis si Jayden. Nang magising naman si Lizette, papaalis na si Ariel at dala ang mga gamit nito. Habang naka-upo lang si Jake sa kusina at walang-imik.

Lizette: Ahh.. Ariel, ang aga mo yatang aalis. Kumain ka na ba?
Ariel: Hindi na, doon na lang ako kakain.
Lizette: Teka... May problema ba? bakit ganyan ang mga mukha ninyo? at bakit may dala kang mga gamit Ariel? Si Jayden gising na ba?
Ariel: Ahhmmm....
Jake: Umalis na din si Jayden....
Ariel: Wala naman! Sa trabaho lang ito. Meron lang kaming pupuntahan, at ilang araw kami doon.
Lizette: Ahh.. E si Jayden, bakit maaga siyang umalis?
Ariel: hmmm... Baka may deadline! alam mo naman yun... masyado nang nagiging abala...





pagka-alis ni Ariel....

Lizette: Anong gusto mong kainin?(habang naka-yakap kay Jake)

Jake: Ikaw na muna ang bahala... (malungkot) hmmmm... pupuntahan ko lang si Nicole. Baka ma-late siya sa klase nya.

Lizette: Ano kaya ang problema....? (nagtatakang tanong ni Lizette sa sarili)

Pagbalik ni Jake sa bahay matapos ihatid si Nicole sa klase....

Jake: Ahh... Lizette... nandito na ako.

Lizette: Oh.. Jake... Tamang-tama, handa na ang pagkain.

nilapitan ni Jake si Lizette at niyakap ito.

Jake: Pasensya ka na sa kinilos ko kanina ha.

Lizette: Wala yun. Syempre male-late na si Nicole, kaya tama lang na magmadali ka. (wala pa ring napapansin si Lizette)

*kiniliti ni Jake sa tagiliran si Lizette..,*

Lizette: (habang tumatawa) tama na Jake nakikiliti ako.., (tawa pa rin ng tawa)

Jake: Ayoko nga.., (patuloy pa rin sa pangigiliti at pagtawa..,)

Lizette: Ah! Ganon ah.., kilitian pala gusto mo ah.., cge.., (sabay kiliti rin nito sa tagiliran..,)

Jake: Wag Lizette.., ahahaha! (tawa pa din ng tawa)

Hanggang sa...,

__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

Hanggang sa...,

natumba sila pareho sa sahig..,

nagkatinginan..,

Jake: Mahal kita Lizette..,

Lizette: Mahal din kita..,

unti unting naglalapit ang kanilang mga mukha.., bakas dito ang kanilang pagmamahal sa isa't isa, mlapit nang mag-tagpo ang kanilang mga labi..,

nang biglang..,

Tumunog ang Doorbell..,

Knock knock..,

Jake: Ahm.., may tao..,

Lizette: (nakapikit pa din) A..Ano?

Jake: may tao.., teka buksan ko lang ah..,

Lizette: sige..,

*habang naglalakad si Jake papunta sa Pinto.. nasabi niya sa kanyang isip na..,
"Ano ba yan.., istorbo naman to oh! sayang!.., naku kung sinu ka man, mag-dasal ka na!*

Jake: sino yan?

Nanay ni Ariel: Jake.., andyan ba si Ariel? Kamusta si Nicole?

Jake: Naku.., kapapasok lang po sa trabaho.., si Nicole naman po.., Ok naman siya, kahahatid ko lang po sa kanya sa school, bakit po?

Nanay ni Ariel: Ah, Ganun ba? kasi nagdala ako ng mga prutas para sa inyo, ito, kunin mo.., (ibinigay ang plastic bag na puno ng peras, oranges atbp. prutas)

Jake: naku salamat po..,(kinuha ang bag..,)

*habang kinukuha ang plastic bag.., nasabi nito sa sarili na "buti na lang si tita.., kung hindi, naku.., Laspag sakin yon..,"*

Jake: Gusto niyo po bang pumasok muna? Kape? Tubig?

Nanay ni Ariel: Naku wag na!, aalis na din ako agad, walang bantay sa tindahan eh.., sige na alis na ako.., Bye bye na..,

Jake: Bye tita..,

------------------



Habang inihahanda ang mga plato sa hapag kainan ay Naalala ni Lizette ang pagkatumba nila ni Jake sa sahig., Naisip niya ang maaaring nangyari kung walang kumatok kanina.., napangiti siya, at nasabing.., "malambot kaya ang mga lips niya.., sayang!, muntik ko nang mahalikan ang aking kissable angel in diguise in a shining, shimmering splendid armor.., haaay!)

Jake: Lizette!

Lizette: bakit? sino yung pumunta?

Jake: Nanay ni Ariel, eto nga oh.., nagdala ng mga prutas.., ang dami nga eh.., (tinaas ang 4 na plastic bags na hawak nito)

Lizette: Wow, ang dami.., ano ano yan?

Jake: Peras, Orange, Pakwan, tsaka mansanas..,

Lizette: ayos yan peras.., love it! (papunta kay Jake)

*habang kinukuha ni Lizette ang ibang plastic bags kay jake ay biglang hinalikan siya nito sa pisngi..,*

Lizette: (nagulat) Nakanakaw ka ah!..,

Jake: Ako pa.., eh hindi ko matiis eh..,

Lizette: ewan.., oh tara, kain na tayo..,

Jake: sige, taralets! (sabay hakbay kay lizette)


Habang Kumakain….

Lizette:ahhhm jake...(smile) sabihin mo nga?? ano bang nagustohan mo sakin??.
Jake:aah eh, ano ka ba Lizette..bkit mo naman na itanong yan??
Lizette: wla lang..curiouse lang kasi ako..
Jake:(smile) kasi....
Lizette: kasi ano?? dali na gusto kong malaman!!
Jake: ah eh basta alam mo na yon...
Lizette: hmm ayaw mo pang sabihin, bala ka nga dyan.

__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

*tumalikod si lizette kay jake(hehe)

Jake:..uy lizette...tumingin ka naman
Lizette: eh bakit ba ayaw mong sabihin??
Jake:.nahihiya kasi ako..pasensya ka na..
kahit hindi ko naman sabihin sayo..mararamdaman mo naman yon
*napangiti si lizette (aaay)

Lizette: sige na nga. hindi na kita pipiliting sabihin yon, kasi..alam ko naman na..

mahal mo talaga ako
*ngitian

and then...

Jake: Lizette, pwede ba natin ituloy yung kanina??
Lizette: ha?? yung ano??
Jake: may kumatok kasi kanina..kaya..
Lizette:...........
uhmm.bahala ka..(smile)

and then..kiss...xempre nakatitigan muna (hahaha)

As they kiss, the world seem to stop, the kiss sends butterflies into Lizette's stomach as his angel-like lips collided with hers.., it sends chills to Jake's spine as they kiss more intensely, You can see their deep love for each other, they look like Jack and Rose of Titanic, You can see that they we're meant for each other..., they continued to kiss until they fell again into the floor, both we're running out of air, but they continue to kiss each other,

between those kisses.., Jake said..,

Jake: Mahal kita Lizette, I will take care of your fragile heart until my last breathe.

Lizette: Ako din.., Mahal na mahal na mahal kita..,

and they continue to kiss until they we're out of breathe..,
_________

Lizette was the first one to broke the kiss and said..,

Lizette: Kelan mo naman balak sabihin sa kanila ang relasyon natin?

Jake replied while brushing her brunette mane..,

Jake: Pagdating ng tamang oras.., (habang nakatingin sa Orasan..,)

Ang hindi alam ni Lizette, alam na ito nina Jayden at Ariel..,


Flashback:

Jake: ahmmm... Jayden, Ariel, may sasabihin sana ako sa inyong dalawa eh.

Ariel: Ano yun?

Jayden: Magpapasalamat ka ba dahil nakalibre ka ng tatlong taon ng walang trabaho? Babayaran mo din kami nuh!

Jake: Hindi yun... ang totoo kasi nyan... ako... at si Lizette... ay...

Jayden & Ariel: Ano kayo ni Lizette?

Jake: Kami ni Lizette ay... Kami ni Lizette ay nagmamahalan!

Jayden & Ariel: Ano!

Ariel: Panong nangyari iyon?

Jayden: Ibig mo bang sabihin ay nagtapat ka na kay Lizette?

Jake: Oo...

Sinuntok ni Jayden si Jake...

Jayden: Pasensya ka na ha. Hindi ko maiwasan na hindi gawin eh.

-----------



Sa Bahay nang nanay ni Jayden

Nanay ni Jayden: Oh anak.., bat ka napauwi dito sa atin?

Jayden: Wala lang po.., naisip ko lang na dumalaw.., (ngumiti)

Nanay ni Jayden: Eh bat parang ang lungkot mo?

Jayden: Huh? Hindi po ah..,

Nanay ni Jayden: Nag-away ba kayo ni Lizette?

Jayden: Hindi po ah!.., bat naman kami mag-aaway ni Lizette.., to talaga si mama oh.., kung ano ano ang iniisip.., Nga po pla.., mga 1 linggo ako dito.., Ok lang po ba?

Nanay ni JAyden: Ha?! 1 Linggo? *gulat at napasabi nang mahina sa sarili na.., "bat naman ang tagal"*

Jayden: Bakit mama? ayaw niyo?

Nanay ni Jayden: Ah.., me sinabi ba ako? wala naman ah.., sige.., dito ka muna.., kahit kelan mo gusto..,

Jayden: Salamat ma! (at inakyat na nito ang mga gamit nito sa itaas para ayusin..,)

Samantala, Si Ariel naman ay nakitira rin sa kanyang ka-opisina..,

Kaibigan ni Ariel: Pasensya ka na at maliit lang tong bahay ko.., enjoy your stay nalang..,

Ariel; sige maraming salamat.., haaay.., miss ko na si Nicole.., (sabay kuha ng cellphone at tinignan ang picture nito).., Miss ka na ni Papa.., Love you Nicole.., (sabay halik sa LCD ng kanyang cellphone)

________________________

Lumipas ang mga Oras.., ,mga 2:00 pm na.., uwian na nila Nicole..,

Lizette: Jake.., Sunduin mo na si Nicole..,

Jake: Ah.., Oo nga pala ano.., mag-uuwian na sila..,

Lizette: Oo nga kaya dalian mo na..,

Jake: Oo.., sige susunduin ko na sia..,


__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

*lumipas ang ilang minuto..,*

Lizette: Jake ano ba.., sunduin mo na si.....,

natigilan si Lizette..,

nakita niya si Jake na naka-towel lang..,

hindi makagalaw si Lizette dahil sa mangha..., nasabi nito sa sarili na " Wow.., Ang ganda nang katawan ni Jake.., parang si Rain..,"

nakita tuloy siya ni Jake at nagulat sa kanya.., nagsuot agad ito nang T-shirt at isinara nang bahagya ang pinto.., namumula silang parehas..,

Lizette: Pasensya na.., hindi ko sinasadya na makita kang naka..,

Jake: Ah.., wa..,wala yon.., sige na.., magbibihis na ako..,

Lizette: sige.., bi...bilisan mo..,

Napatungo nalang si Jake at sinara ang pinto..,

matapos magbihis ni Jake..,

Jake: Alis na ako..,

Lumapit si Lizette kay Jake at sinabing "Sige.., Ingat Mahal ko..."

sabay halik kay Jake..,

Jake: *Gulat nang konti* Aba.., ikaw naman ang nangnakaw ah..,

Lizette: bakit ayaw mo?

Malapit na sa pinto si Jake nang tumalikod itong muli at tinawag si Lizette..,

Jake: Lizette.., tayong dalawa nalang ang sumundo sa kanya..,

Lizette: Sige..,


Sa School ni Nicole….

Teacher: Ok class! gawin niyo yung assignments niyo ah..,

Class: Yes Teacher!

at biglang tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang klase..,

Teacher: Goodbye Class..,

Class: Bye Teacher!

at naglabasan na sila..,

samantalang naghihintay sa labas sina Jake at Lizette ay bigla silang nagulat sa nakita..,

nandoon si Ariel sa eskwelahan.., tinawag ni Lizette si Ariel ngunit nang nakita at narinig ito ni Ariel ay bigla itong tumakbo paalis at naiwang nagtataka si Lizette..,

Lizette: Ano kayang nagyari dun?

Habang nakatingin si Jake kay Lizette, Napaisip ito at nasabing.., "malalaman mo rin kung anong nangyari..,"

bumalik na sa bench na inuupuan nito si Lizette.., at sinabi kay Jake na nakita niya si Ariel.., tinong nya si Jake kung nakita niya ngunit umilng lang ito na para banag walang alam sa nangyayari..,

Matapos ang ilang minuto narinig na nila ang bell na hudyat nang pagtatapos nang klase ngayong araw, nakita na nila si Nicole na papunta sa kanila..,

Nicole: (masayang masaya) Daddy!, Mommy!..,

Lizette: Anak!.., (niyakap si Nicole) Musta ang school?


Nicole: Ok lang po Mommy, binigyan nga ako nang star ni teacher eh..,

Lizette: Talaga? ang galing naman nang anak ko..,

Nicole: salamat mommy!! (tumingin kay Jake) Daddy, me problema ka ba?

Jake: ha?..,Wala naman anak..,

sa pananaw ni Lizette, halatang may problema si Jake, kitang kita niya ito sa kanyang mga mata, ayaw lang niya itong sabihin, nasabi tuloy sa sarili na, "Ano kayang problema nito?"

Nicole: (Tumingin ulit kay Lizette) Mommy, gusto ko nang Ice Cream.., (habang kinakalabit si Lizette)

Lizette: sige, bumili tayo nang Ice Cream.., (tumigin kay Jake) Jake, bili tayo Ice Cream..,

Jake: Ah, O sige.., Tara na!

Nicole: Yehey!

At tuluyan na silang umalis sa eskwelahan upang bumili nang Ice Cream

Sa Bilihan nang Ice Cream….

Jake: Ano gusto mong Flavor Nicole?

Nicole: Chocolate po..,

Jake: Ikaw Lizette?

Lizette: Ahm.., Strawberry..,

Jake: Ah Ok..,

Lizette: Eh Ikaw.., ano sayo?

Jake: Syempre pareho ng sayo… strawberry .., bili na ako ha.., jan lang kayo..,

Nicole: Opo Daddy..,

sa Loob nang tindahan..,

Jake: Miss, pabili nga nang Ice Cream..,

Tindera: Anong Flavor?

Jake: Isang Chocolate at dalawang Strawberry..,

Tindera: Saglit lang ho ah.., (pumindot sa Cash Register)

Tindera: Umm, 3365 won po lahat..,

Binuksan ni Jake ang wallet, at halos wala na itong laman.

Jake: Huh? ang mahal naman.., pwede bang discount?

Tindera: May card po ba kayo?

Jake: (tinignan ang wallet) ahm.., wala eh., Uhm.., Installment?

Tindera: Hindi po kami eskwelahan para mag-karoon nang Installment.., at Hindi rin po kami Department store para mag-karoon nang Discount o Sale..,

Jake: Joke lang naman miss.., Eto bayad (Inabot ang bayad)

At Kinuha na nang Tindera ang bayad at pati na ang kanilang order, inabot na din nito ang resibo..,

Tindera: Oh!.., eto na po ang order nyo..,

Jake: Salamat..,

__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

lumabas na si Jake sa tindahan para ipamahagi ang kanyang binili..,

Jake: Oh Nicole (Inabot kay Nicole ang Chocolate Ice Cream), Oh Lizette (Inabot ang strawberry Ice Cream).

Nicole at Lizette: Salamat..,

Nicole: (Tinikman ang Ice Cream) Wow, ang sarap., salamat Daddy..,

Jake: Walang anuman..,

Lizette: Salamat Jake ah.., (habang kinakain ang Ice Cream)

tumungo si Jake sa kanya..,

Habang kumakain sila nang Ice Cream, nakita ni Lizette na puno nang chocolate ang bibig ni Nicole..,


Lizette: Anak, dahan dahan lang.., baka mabulunan ka, tingnan mo, ang dungis mo na.., (habang pinupunasan ang labi ni Nicole)

Nicole: Opo mommy..,

Habang pinupunasan ni Lizette si Nicole., nakita ni Jake na may dumi din sa mukha si Lizette kaya't pinunasan mya ito at sinabing "Nagsalita ang malinis.."

Pinunasan ni Lizette ang kanyang sarili ngunit kumuha nang tissue si Jake at siya na ang nagpunas dito, nagkatinginan silang dalawa at napatungo nang konti si Lizette..,

Nakatitig sa kanila si NIcole at nasabi sa Isip na.., "bagay talaga silang dalawa.., hihi"

Habang pinupunasan ni Jake si Lizette, na-Imagine ni Jake na kung anong mangyayari kung mag-pakasal sina ni Lizette at nagkaroon nang pamilya at syempre, kasama si Nicole..,

Imagination:

Jake: Ano ba yan Lizette, ang dumi mo talaga kumain nang Ice cream..,

Nicole: Opo nga mommy, ang dumi..,

Lizette: (nahihiya) pasensya na

Pinunasan ni Jake nang buong pagmamahal si Lizette..,

bigla itong nagising nang mag-aya na si Nicole na umuwi..,

tinapos muna niya ang kanyang Ice cream at umuwi na sila..,

Kinagabihan, sa bahay nang nanay ni Jayden..,

Abala sa pagdo-drawing si Jayden nag pumasok ang nanay niya sa loob nang kwarto niya..,

Nanay ni Jayden: Jayden..,

nagulat si Jayden at natapunan nang konting ink ang ginagawa niyang comics..,

Jayden: Ma, ano ba yan, nakakagulat naman kayo, hindi ba kayong marunong kumatok?

Nanay ni Jayden: Pasensya na Anak, me tatanungin lang kasi ako sayo..,

Jayden: Ano yun ma? (habang tuloy sa pagdo-drawing)

Nanay ni Jayden: Anak, Bat ka nga ba umalis sa bahay niyo nina Jake?

Jayden: Wala ma.., (nag-dodrawing padin)

Nanay ni Jake: Sige na anak, sabihin mo na sa akin..,

Jayden: (tumingin sa nanay at medyo galit ang mukha) Wala nga po eh, wag nga po kayong makulit..,

Nanay ni Jayden: Eto naman, nagtatanong lang naman eh..,

Jayden: Wag na po kasi kayong magtanong nang magtanong., Curiosity Kills The Cat..,

Nanay ni Jayden: Ah, ewan.., (at lumabas na ito sa kwarto at naiwang mag-isa si Jayden)

Pagkalabas nang nanay niya sa kwarto ay tinuloy na niya ang kanyang naudlot na pag-dodrawing, bigla nitong naalala ang kanyang mga kaibigan at si Nicole, pati na si Lizette., tumulo ang kanyang mga luha nang hindi nya napapansin, sinabi nitong..,

Jayden: Miss ko na kayo.., lalo ka na Nicole, Miss ka na ni Dada.., pati ka na Lizette.., Mahal kita..,

Napatungo ito at umiyak hanggang sa siya ay mapagod at nakatulog..,

__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

Kinabukasan...,
ring... ring... ring...

Lizette: hello? (sinagot ang celphone)
Jake: Gooooood Moooorniiiing Lizette! Kamusta ang tulog ng pinakamamahal ko?
Lizette: (napangiti) Ang aga-aga nagsasayang ka ng pera, sana pumunta ka nalang dito kung gusto mo akong gisingin...
Jake: huh? naaalala ko sabi mo sakin dati gusto nyong mga babae ang tinatawagan kayo ng mga mahal nyo. bakit hindi mo ba ako mahal?
Lizette: ahh.. naaalala mo pa yun, hihihi!
Jake: Oo naman.. ganun ka kahalaga sa akin.
Lizette: naku! nambola ka pa.. oahhh.... nagising na si Nicole.. sandali lang ha... pupunta na kami jan. bye....
Jake: Ok.. (nakangiti habang nakatingin sa mga pagkaing niluto nya)

pagbaba nila Lizette at Nicole ng kwarto....

Nicole: Wow!! omelette!
Lizette: oahh... akala ko kaya mo ako ginising kasi nagugustom ka na.
Jake: (pabulong na sinabi kay Lizette) mukha bang hindi maasahan ang asawa mo?
Lizette: ssshhhh...! marinig ka ni Nicole!
Jake: huh? Nicole... kakain na tayo. gusto mo ba tabi tayong dalawa...?
Nicole: Opo!

Naupo na silang tatlo at kumain...

Jake: Nicole... masarap ba ang luto ni Daddy? (habang nakangiti at nakatingin kay Lizette)
Nicole: hmmmm... pero mas masarap magluto si Papa.
Jake: Huh!

Biglang napasimangot si Jake...

Nicole: Mommy! Namimiss ko na sila Dada at Papa(malungkot)
Lizette: Oo nga... Gust....
Jake: Nicole... baby... nandito naman si Daddy saka si Mommy... hindi ka ba masaya na kumakain tayong tatlo?

sinipa ni Lizette si Jake sa paa... at pabulong na sinabi...

Lizette: ano ka ba?!

Jake: Ahhh... Nicole. bilisan mo kumain ha.. baka ma-late tayo sa school mo.

===================================

natapos ng kumain ang tatlo at hinatid na ni Jake sa school si Nicole. pagdating sa school ni Nicole, naabutan ni Jake si Jayden na nakatayo sa pinto ng classroom.

Nicole: Da.. Dada!! (habang tumatakbong lumapit kay Jayden)
Jayden: Nicole! (binuhat at niyakap nito si Nicole) Namiss mo ba si Dada?
Nicole: opo. Dada, bakit hindi ka pa umuwi sa bahay? namimiss na kita.
Jake: Oahhh.. Jayden, buti napadaan ka!
(patuloy na nakipag usap si Jayden kay Nicole na parang walang sinasabi si Jake)
Jayden: Busy kasi sa trabaho si Dada... diba alam mo naman ang dami-daming mga tagahanga ni Dada, diba?
Nicole: Opo....
Jake: Nicole, male-late ka na, pumasok ka na. (habang nakatingin ng masama kay Jayden)
Jayden: Ohh.. Nicole tawag ka na ng mga kaibigan mo... sige na pumasok ka na..
Nicole: Sige po.. ba-bye Dada.. ba-bye Daddy!

===================================

Magkasabay na lumabas ng school sila Jayden at Jake... ng biglang magsalita si Jayden.

Jayden: Kamusta na si Lizette?
Jake: Huh? (nagulat si Jake) Uhh... mabuti naman.
Jayden: nabalitaan ko umalis din si Ariel sa bahay.. Masaya ka ba! huh?
Jake: uhhh... oo... medyo malayo yata ang pupuntahan nila Ariel.
Jayden: Hahaha! Kung dati nagbigay-daan ako sayo. Ngayon hindi na! Tandaan mo, hindi ikaw ang tunay na ama ni Nicole. Kaya wag kang umastang ikaw!

Mabilis na naglakad si Jayden at naiwan si Jake na malungkot.. Biglang tinanong ni Jake ang sarili "bakit ba tayo nagkaganito?". Sinisisi ni Jake ang sarili dahil nawala ang kanyang dalawang matalik na kaibigan.

__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

umuwi na si Jake galing sa Eskwelahan..,

paguwi nito sa bahay ay naabutan nito si Lizette na nag-luluto nang agahan..,

Jake: Andito na ko..,

bakas sa kanyang boses ang pagkamalungkot nito

narinig ito ni lizette at nagkasalubong sila..,

Lizette: Oh Jake, andito ka na pala, nahatid mo ba nang maayos si Nicole?

Jake: Ah.., Oo naman, ako pa

ngumiti si jake ngunit halatang peke iyon.

Lizette: Ahmm Jake.., May Problema ba?

Jake: Ahm.., wala naman..,

Lizette: Ah.., Ok.., Nga pala, handa na ang Agahan natin.., kain na tayo

Jake: Oh Sige..,

Sa Labas nang bahay..,

may pulang sasakyang tila nakaabang, na parang isang ahas na tutuklaw sa lahat nang kanyang makikita..,

nagsalita ang tao sa loob nito.., at sinabing "Gagantihan kita sa ginawa mo sa akin.., Magbabayad ka nang malaki.., hahaha!" bakas sa kanyang boses ang galit at pagkamuhi nya sa taong ito..,

__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

Kinagabihan..,

Umalis si Jake sa bahay, nagpunta ito sa paboritong bar nilang apat nila Justine, Jayden at Ariel, Umalis ito nang hindi nagpapaalam kay Lizette.., kailangan pa ba nyang mag-paalam?..,

OO, dahil alam niyang pag nalaman nito ay magtatanong lang ito nang magtatanong at pipigilan ito.., kaya't hindi na ito nagpaalam pa..,

Habang papunta ay hindi nito alam na may nakasunod sa Kanya.., Ito ay isang pulang kotseng mistlang Ruby sa kinang.., hindi naman nya ito napansin.., makarating sa bar ay pumasok na ito at umorder nang isang soju..,

Bawat lagok nang soju na kanyang iniinom.., maraming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan.., ano ba ang nanyayari sa amin?.., bakit ganun? Bakit hindi nila ako maintindihan?..,

samantala sa bahay nina Jake

Mahimbing na natutulog ang dalawa,

habang natutulog, may napaginipan si Lizette, napaginipan nya ang isang lalaki na naka amerikana, katabi nya ito, nasa loob sila nang isang simbahan, hindi nito nakita ang mukha nang lalaki, tinanggal nito ang belong nakasuot sa ulo nya upang makita ang kanyang mukha..,

at dahan dahan silang naghalikan.., pagtalikod nila, nakita nila ang maraming tao na pumapalakpak.., ngunit, biglang natumba ang lalaking katabi nito nang patalikod at nang makita niya ito ay may dugo na sa sahig, tuluy-tuloy ang pagdanak nang dugo sa sahig, iniharap nya ito at nagulat sa kanyang makita, napasigaw ito..,

Naalimpungatan si Lizette, puno nang pawis ang kanyang mukha at kinakabahan, bumaba ito sa kama upang umino nang tubig subalit habang pababa ay napansin nito na wala sa sofa si Jake kung san ito natutulog, kaya't hinanap nya ito sa lahat nang parte nang bahay

Sa C.R, sa Kusina, sa mga Kwarto ngunit wala ito, sinubukan na din nitong tawagan sa Cellphone nito ngunit hindi ito sumasagot. Napansin nitong hindi nakalock ang isa pang lock na nasa taas nang doorknob kaya't lumabas ito nang bahay pang hanapin si Jake, Kahit na di nito alam kung san sya magsisimulang maghanap

Hanggang sa....,

Dinala siya nang kanyang mga paa sa isang bar, yun an bar na paboritong tambayan nang kanyang namayapang asawa.

Nakita nya sa Loob si Jake at nagulat ito sa kanyang nakita..,

itutuloy..,


__________________


Fan

Status: Offline
Posts: 19
Date:

Pagpasok nito sa loob ay nakita nito si Jake na umiinom.., tanaw na tanaw ni Lizette mula sa kanyang kinatatayuan na marami na itong naiinom.., sa kanyang bilang.., mga 7 soju bottles na ang kanyang nakikita na walang laman at may iniinom pa ito..,

Lizette: (sumigaw) Jake!

at bigla itong tumakbo papunta sa kanya na parang may hinahabol.., tumingin naman ito kay Lizette anng mukhang gulat ngunit hindi naman masyado..,

Lizette: Tumigil ka na nga.., ang dami mo nan naiinom, bakit ka ba nanglalasing?, Ano bang nangyayari sayo?

Jake: (Lasing) Wala..,

Lizette: Anong wala? (at biglang tinaas ang isang bote nang Soju) Ako ba niloloko mo? ang dami mo na kayang iniinom.., ano ba?

Jake: kasi... hindi ko na alam ang gagawin ko. mahal kita. pero mahal ko din ang mga kaibigan ko.

Lizette: anong ibig mong sabihin??

Jake: wala.. kalimutan mo na ang sinabi ko!

Lizette: ano ba Jake! wala ba akong kwenta sayo? uuwi na tayo sa ayaw at sa gusto mo!

Jake: uubusin ko lang ito sandali..

Lizette: Hindi!

biglang binuksan ni Lizette ang dalawang wallet at nag iwan ng $10.00(10 000 won) at hinila si Jake palabas upang umuwi ng bahay. Ngunit halos hindi na makatayo si Jake sa sobrang kalasingan....

Habang hinihila ni Lizette si Jake pauwi..,

hindi nito napansin na nalaglag ang cellphone nito..,

nang nakaalis na ang dalawa.., lumapit ang isang misteryosong taong sumusunod sa kanya..,

pinulot nito ang cellphone at winika na "ito na ang simula nang pagbawi ko sayo!, bilang na ang maliligayang araw mo, sa katagalan, maiisip mo na nagkamali ka nang kinalaban, na nagkamali ka nang binangga, na nagkamali ka nang iniwan, balang araw, maiisip mo na nanaisin mong bumalik sa piling ko, at hindi sa babaeng yan..," at bigla na itong umalis sa bar..,

Pagdating sa bahay....

Jake: Salamat Lizette(hindi na naiwasan ni Jake ang mapaluha)

Lizette: Hindi mo ako madadaan sa ganyan ha!

Jake: Salamat at nariyan ka para sa akin. Kapag pati ikaw nawala hindi ko na alam ang mangyayari sakin.

Biglang napaisip si Lizette kung bakit napaluha si Jake at gaano ba talaga kalaki ang dinadalang problema nito at nasasabi nya ang mga ganitong salita. Biglang nawala ang inis ni Lizette kay Jake at bigla itong naawa sa kanya... ng bigla siyang niyakap ni Jake.. at dahan-dahang naglapat ang kanilang mga labi......

Kinabukasan..., unang nagising si Jake... bigla itong napatingin sa sarili at napansin nitong wala na siyang suot na damit! Bigla itong napasigaw at nagising naman si Lizette sa sigaw ni Jake. Nakita ni Lizette na walang damit si Jake kaya napasigaw na din siya!

Jake: Lizette!! Hwaahhh!! wa...wala kang damit!

Lizette: I-Ikaw! wala kang damit!!

Patuloy na sumigaw ang dalawa hanggang sa magising si Nicole.

Nicole: Mommy! daddy... ang aga-aga bakit po kayo nagsisigawan? (habang pababa ng hagdan)

Lizette: Bilisan mo magdamit ka nanjan na si Nicole! (pabulong na sinabi)....., hmmmm.... wala anak may nakita kasing daga ang daddy mo!

Madaling nagsuot ng damit si Jake..., at mabilis namang ibinalot ni Lizette ang sarili niya sa kumot.

__________________
Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.



Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard